Confessions of a Dangerous Mind

September! :)

Gusto ko ng matapos ang August. SERIOUSLY. Excited na kasi akong magSeptember. Hahahaha! Madami akong plano.

1. Gusto kong lumabas with friends. Yun ang gusto kong gawin buong month. Hahahaha! Ang tagal na din kasi. :)

2. Hoping this September, mahired ako. Hahaha! Which is imposible. :) Pero sana lang para may pagkaabalahan naman ako. :)

3. Two out of towns. Isang Tagaytay and maybe Subic. :)

4. Swimming with Friday Group. :)

5. Umuwing Bicol. I miss my dad and my hometown. 

Excited!!! :)

Random Thoughts About Moving On. :)

This is my post last May 12, 2011 at 7:40 pm on Facebook. Wala lang. Nabasa ko lang. And I realize na pag nagmahal ka na, di mo din masusunod yung mga sinabi ko dito.

Moving on is not an overnight process.. Tipong, the next day, wala na.. You do it little by little.. Minsan nga sinasabi nating di natin kaya.. Pero kaya natin.. It just takes some time.. And Para mas mabilis, try hard to ignore her/him.. Occupy yourself with a lot of thinking which excludes that person.. Sometimes, it’s the pain that helps you move on.. I’d tell you that thinking about that person 24/7 won’t take you anywhere.. Then eventually mapapagod ka rin.. Especially when neglection and unappreciation are constant..

Sometimes, or most of the time, we fall in love with someone who already has someone else.. There’s nothing wrong with that.. Basta lang ang itatak mo muna sa isip mo na imposibleng maging kayo unless there’s a chance/oppurtunity presented.. Ang tangi lang natin magagawa, e ang mag-admire from a distance.. Dumadating lang ang problema kapag naghihintay tayo sa taong yun.. That’s where the outmost pain come in the picture.. Move on.. Pero kung iki-keep mo pa rin yung admiration, that’s just fine.. But be happy and satisfied muna of admiring her/him and NOT wanting her/him. Set aside yung expectations like them, breaking up.. Wish them happiness instead.. :)   

Para sa akin, wag tayong maghintay.. I always believe that if it is destined na maging kayo, magiging kayo.. Sabi nga, “If it’s meant to be, It will be.”.. Kung by the time na magbreak sila, and you still feel something for her/him, then go! Pursue her/him.. Always remember that when one door closes, another door opens.. :)

"Above all else, guard your heart, for it is the wellspring of life." - Prov.4:23 

Blah! :)

1. Your ex texted you and wanted you back. Would you take him/her back? 

- Wala akong EX! 

2. Has anyone told you “forever and ever” then left?

- Nope.

3. Your relationship status?

- Single.

4. Where did you meet your crush(es)?

- Sa school.

5. Have you ever lost a close friend?

- Yes. :(

6. Do you smoke weed regularly?

- Nope. Wala akong balak itry.

7. Think back to the beginning of 2011. Are you still dating the same person?

- Nope.

8. Would you parents be mad if you were in a relationship?

- Ewan ko! Hahaha! :)

9. When was the last time you really laughed?

- Nung kasama ko bestfriend ko. :)

10.     Something is wrong. First guy you turn too?

- Francis Sarmiento. My bestfriend. Automatic yun, pag gising nya katabi na nya ako. :)

11.     First girl you’d turn to?

- Jhoana Garino and Jazelle Laconico. Sabay ko silang tinetext. :)

12.     Is there anyone who doesn’t like you because of something you did?

- Di ko alam.

13.     Angry at anyone?

- Nope.

14.     What’s stopping you from going for the person you like?

- Pag may mahal na syang iba.

15.     When was the last time you cried really hard?

- Aug. 19, 2011. As in sobra talaga!! At my bestfriend’s house.

16.     Is there anyone you would do anything for?

- Yes.

17.     Who was the last person you talked to for more than 10 minutes on the phone?

- My friend Therese.

18.     What is your favorite song?

- Marami e.

19.     Do you like Red Bull?

- At bakit naman natanong ang Red Bull dito? Hahaha! Hindi ko gusto yun! :)

20.     How many people can you tell just about everything to?

- Buong Thirstday at Friday Group. Saka marami pa. Ako na ang open sa lahat! Hahahaa!

21.     Have you ever wished on a shooting star?

- Yes.

22.     Does the last person you held hands with mean something to you?

- Yes.

23.     Describe yourself in one word.

- Easy go lucky. :)

24.     Do you have anything that belongs to your ex?

- Wala pa nga e! :)

25.     Can you honestly say you’ve had a sleepover with the opposite gender?

- Yes.

26.     Do you rebound?

- Nope. Never.

27.     Ever cheated on someone?

- Nope.

28.     What would you do if you found out the person you like was in a relationship?

- Pupunta sa bestfriend. At iiyak ng iiyak hanggang sa magsawa.

29.     Do you act differently around the person you like?

- Yes.

30.     Honestly, what guy’s number do you have memorized?

- Number ni Francis. :)

31.     Is it hard to make you laugh?

- Hindi.

32.     Who was the last person to make you mad?

- Yung security guard ng parking lot. Muntik akong maaksidente gawa nya.

33.     Do you think your last ex will eventually want to be with you again?

- Wala sabi. Hahaha! :)

34.     Have you ever fallen asleep in someone’s arms?

- Yes. 

35.     Has anyone ever called you scrumptious before?

- Hahahaha! Wala!

36.     Would you like to put a night on repeat and live it forever?

- YES!

37.     Do you have a best friend that knows you inside and out?

- Yes.

38.     Is your best friend a slut?

- No. :)

39.     Is hard drugs a turn off?

- Yes.

40.     Are you happy with life right now?

- Pwede na.

41.     Are you still in love with your ex?

- Wala nga!

42.     Are you still in love with your ex?

- Wala pa din nga! :)

43.     Have you ever been the “other person” in a relationship?

- Nope.

44.     Have you ever had your heart broken?

- Yes!!!! Hahahaha! :)

45.     Have you ever broken someone’s heart?

- Oo yata. :)

46.     Is there anybody you’re really disappointed in?

- Nope.

47.     Where is your best friend?

- At Marikina.

48.     Something you’re happy about?

- Wala. Pero di naman malungkot. Sakto lang.

49.     How is your heart lately?

- Healing. :)

honeyandrade said: Following you na!! :) Thanks again sa email mo and I'm really glad that okay ka na.. :) Kase para saken talaga, napaka laking achievement yung maka-graduate ka and makapasa ka ng dalawang board exam ng isang take lang.. Galing mo kaya.. :) Ganun lang talaga sa buhay, minsan may mga hassle para balanse.. Hindi pwedeng laging masaya.. :P Anyway, I'm happy to find a new friend in you! :) Visit my blog pag bored ka (nag promote? HAHA!) www.honeyandrade.com GOD BLESS!!!! :)

I followed you din! :) Maraming maraming salamat!! Oo nga naman! May point ka dun.. May natutunan ako sayo.. O di ba, dahil sa post kong yun, may bago akong friend.. Okay na din.. Hahahaha! Sige, I’ll visit your blog pag may time. Feel ko marami akong matututunan sayo. Ipagpepray ko na sana pumasa ka.. Basta papasa ka nyan! Think positive! :) Godbless!! :)

honeyandrade said: Hi.. I was researching on the internet about NCLEX feedback this June 2011 when I found your blog.. I'm taking my NCLEX next week and I'm pretty nervous about it.. Well actually, I'M A WRECK. Anyway, I read your blog post and although you and I are complete strangers, I wish you well and sana you'll stop thinking of negative thoughts like "Sana hindi nalang ako pumasa".. Ako nga I'll do anything to pass the NCLEX.. You've achieved so much already.. Yung pagtatalak ng Mom mo, wala lang yan.. Keri mo yan 'te.. Be confident in yourself.. :) You were able to pass two BOARD EXAMS in ONE TAKE. That's a big deal!! :)

THANK YOU SO MUCH!!!.. :) I’m okay na.. Sobrang naapreciate ko tong message mo lalo na’t we’re complete strangers.. Wag kang kabahan sa exam mo.. Relax lang.. Hindi madali yung NCLEX, Maikli lang yung mga questions pero tricky. Pero kaya mo yan!!! Basta magaral kang mabuti and focus ka lang. :) Anyway, If you’re looking for NCLEX feedback, I can give you some. Konti lang yun pero sana makatulong. I’ll message you na lang. And I’ll ask na din my friends na nagtake para madagdagan yung mabibigay ko sayo. Goodluck!! and God Bless!!! Thanks ulit! :)

Pressured!!! ;((

I’m JOYCE ANNE F. AJERO RN, USRN.

Nagtake ako ng Nurse Licensure Examination noong July 3-4, 2010. At lumabas ang results nung August 27, 2010. I passed.

October 1, 2010. Nirelease ang license ko. That day mismo inasikaso ko na ang  pagprocess ng NCLEX ko at nagsimula na rin ako magaral. 

April 19, 2011, I took my NCLEX examination and April 22, 2011, I passed. Nasa Dubai kami that time. May 1, 2011 bumalik na kami sa Pilipinas.

Bakit ko to sinasabi??? Sinasabi ko to dahil gusto ko sabihin sa Mom ko na mahigit akong isang taong nagaral. Nagsunog ng kilay. Nagpuyat. Nagpakapagod. Hindi nya lang alam na minsan gusto kong magpahinga sa pagbabasa pero dahil sa gusto ko talagang ipasa, tumutuloy pa rin ako kahit masakit na sa ulo.

So 29 days na akong nakatengga ngayon sa bahay simula ng bumalik kami sa Pilipinas. 

Lagi akong kinukulit ng Mom ko na magtraining na ako ng Intravenous Therapy. Requirement yun as a nurse. Wala din naman akong balak maging bum at magstay lang dito sa bahay. Magtetraining naman talaga ako. Hinihintay ko lang yung kaibigan ko kasi sabay kami mageenroll. May nakita akong schedule sa Veterans Memorial Medical Center na IV training sa June 17. Pero di pa ako nakakapagpareserve kasi sabay daw sa wednesday sabi ng friend ko. 

My sister told me something. Kinausap daw sya ng Mom ko. Na hindi daw ibibigay yung perang pinangako sa akin hangga’t hindi ako nagtetraining. This made me mad.

For 29 days lang, na hindi pa ako nagtetraining? Ganon na?? Pakibilang naman kung gaano ako katagal nagpakahirap o! Please pakibilang naman. 1 year!! Compared sa 29 days na bum. Ang masakit pa, inaasikaso ko yang training na yan. Kinukulit ko nga yung kaibigan ko about dyan e. Kasi gusto ko din yan. Hindi ako naiinis dahil sa pera na hindi nya ibibigay. Naiinis ako dahil bakit kelangan pa nya ako pagbantaan na di ibibigay yung pera ko pag di ako nagtraining. Ano bang akala nya? Na ayaw ko talaga magtraining? Na ayaw ko talaga magtrabaho? So iniisip nya na the only way para magtraining ako e ipitin ang allowance ko. Gagawin ko talaga yang training na yan, hindi dahil sa wala akong allowance. Dahil may pangarap ako. 

Sa 29 days na yan. Bilang na bilang ko ang pagalis ko. Ano bang akala nya nagpaparty ako every night? Ano ba ginagawa ko araw-araw? Gigising ng 6:30 ng umaga para ihatid si ate sa work, uuwi ng bahay, pupuntang Greenhills ng 4:00pm para sunduin si ate. Yun lang ginagawa ko. Kung umaalis ako, alam mo yun Mommy kasi never akong hindi nagpaalam sayo. 

Ang lungkot lang talaga. Nakakapaiyak. Nakakita na ba kayo ng magasawa na tinatalakan ng babae ang lalake? Ganon si Mommy sa akin. Sa chat nga lang sya. Yung tipong pag kinukulit nya ako about that training parang gusto ko ng iumpog ang ulo ko sa pader. Iba yung feeling na pinepressure ka e. Minsan parang gusto mo na lang mamatay. Seryoso ako. I wish maaksidente ako one of these days at mamatay. Pero yung ako lang at walang madamay na iba. Ang bigat kaya sa pakiramdam ng pinepressure. Na pag naiisip mo, parang may kailangan na kailangan kang gawin. Na parang naghahabol ka sa oras.

Sana di na lang ako pumasa. I mean it.

I miss my Dad.. :(((

Gusto ko syang yakapin ngayon ng sobrang higpit. Gusto kong umuwi sa kanya. Gusto ko ng peace of mind. Sa kanya ako lumaki kaya kahit Mom ko ang nagbigay ng lahat, hindi mapapantayan nun kahit kelan ang samahan namin ng Dad ko. 

Sana paggising ko…… Or wag na ako magising.

Lovelife!!! Hahahaha!! :))

Natawa naman ako sa title ko. Hindi lang ako tumatumblr, lumalovelife din! Hahahahha! :))

Last Thursday, Nagblowout ako sa Friday Group barkada ko. We ate at Napoli, Tomas Morato. Then after nun, pumunta kami sa Oasis para uminom. Sa Napoli pa lang grabe na ang ingay namin. Sobrang namiss din namin ang isa’t isa. Ang huling kita namin e nung nagblowout ako nung birthday ko nung January. Sabi nga ng kaibigan namin, “Ano ba yan! Magkikita na lang ba tayo pag nagboblowout si Joyce!" Hahahaha!

Then pinakuwento nila ako. Ako naman excited ding magkuwento. Hahahaha! Sabi ko,”I’ve met someone. Last April, lagi ko syang chinachat sa Facebook. Consistent talaga ako. Nagustuhan ko sya talaga as in!!! Napapatawa nya ako, makulit sya, kalog. Click kami pag naguusap. Akala ko sya na. Pero bago matapos ang April……

Nabasted ako!!! Hahahhahahha! Naging in a relationship sya sa iba..”

Sobrang tawanan kami nung pagsabi kong basted. Hahahahahaha! :))) And they said na "Okay lang yan. May darating pang iba dyan."

At pumasok ang buwan ng May. I said may nakilala ako. Humirit yung kaibigan ko. 

"Ikaw na!!!! Ikaw na talaga!! Merong April affair, tapos ngayon May affair naman!!!! Hahahahaha!" 

I said. "Hahahaha! Patapusin mo muna ako magkwento!!".

So may nakilala nga ako ngayong May. Grabe kami magusap sa phone. Mga 2hours ang minimum. Pasakitan talaga ng tenga. Tapos magkachat kami lagi sa Facebook at magkatext pa buong araw. Pero hindi kami match. Masyado syang seryoso. Ako, pabiro biro lang, patawa tawa. Walang syang humor. Palagay ko naman we both realize yun, na hindi kami compatible. Di ko sya nagustuhan pero I admit, nalungkot ako ng konti. Mga isang araw lang naman. Namimiss ko yung may lagi akong kausap. Sayang. Kung nagclick lang sana kami baka nagustuhan ko pa sya.

Sabi ng mga kaibigan ko, "Okay lang yan!!! Patapos na ang May!!! Abangan mo na yung makikilala mo sa June!!! Hahahaha!!"

Sabi nila excited na daw sila sa June affair ko. Hahahahahaha!!! :)))

Tanong nila sa akin: So si April affair ang huli mong nagustuhan? I said: Yeah! :) Ang they said: Kung nakatadhanang maging kayo, magiging kayo. Hindi man ngayon pero someday!

Grabe ang tawa ko. Ang kulit lang. 

Sabi nila basta go with the flow lang. Natatandaan ko nung mainlove ako before. Year 2009 yata. Halos mabaliw ako. It took me 1year para makamove on. Sila yung nagalaga sa akin nung sobrang miserable ako. And then nainlove ako ulit, pero taken sya. I’ve waited 1year din pero walang nangyari. Hanggang sa heto na nga, may nakilala ako nung April, tapos ngayong May. 

Basta alam ko darating din yun! :)

We decided na umuwi na. Mga 2:30am kami natapos. Then hinatid ko sa Marikina yung kaibigan ko, mga 3:15am na ako nakauwi ng Timog. Sana mabalik na namin ang Friday Group. Nakakamiss ang inuman every Friday! :)

At nung paguwi ko sa bahay. May nagmessage sa akin saying "Hi Joyce! You wanna have coffee sometime?". Grabe ang tawa ko!!!! Hahahahah! Heto na ba yung June affair ko?????!!!! Friday group!!! Ang aga ng dating nya!!!!! Hindi pa June!!!!!!!!! Hahahahahahhahah! :))